Noong Bata Pa Ako Essay About Myself

September 19, 2013   Francisco Ribu Jr.  

Noong ako’y bata pa (Tanging Ala-ala)

Noong ako’y bata pa, halos lahat ng mga punong kahoy na may bunga ay pilit kong inaakyat kahit ito’y imposibleng akyatin. Walang kinakatakutan saan mang lugar basta’t maaakayatan. Ngayon sa panahon na ito hindi ko na alam kung kakayanin ko pa at halos lahat ng aking mga buto-buto ay mukhang malubay na, kumpara noong bata pa ako. Sa isipan ko pilit kung susubukan, ngunit ang tanong, meron pa kayang punong maaakyatan tulad noon? Halos lahat ng mga puno ay meron ng may-ari at imposibleng papayag silang ibang taong mamimitas ng kanilang bunga.

Dati-rati high school pa ako, sa CAT- citizen army training nakaka 30 push-up at nakakatakbo ng malayuan, lalo na sa ating larong kabataan. Kahit na anong larong kabataan ay pilit kong kayanin lalo na kapag tapos na ang eskwela. Takbo doon takbo dito. Luray luray at punit punit ang damit at pagod na pagod ang katawan, at may kaunting gasgas at may dugo pang tumatagas sa paa’t braso na hindi ko man lang pinapansin ang sakit ng naranasan.

Noong ako’y medyo nagkaroon ng lakas natuto nang humanap ng paraan ng pagkaka-perahan upang maisalba ang kaunting hirap ng buhay. Natuto akong magbenta sa Gulay, Plastic bag, Prutas at ibang pueding pagkakakitaan. magkaroon man lang ng pambaon sa eskwela. natuto rin akong mangalakal , Bote’t Bronse na pueding ebenta sa junk shop ng aming bayan. Ang malaking nagbigay ng pagpupursige sa pueding pagkakakitaan ay ang pagbebenta ng ICE CREAM saan mang sulok ng aking Lupang Tinubuan. Nakakapaglakbay saan mang malalayong lugar na may Fiesta ng kanilang bayan dala-dala ang aking mahal na kareton ng sorbetes, tulad ng Bislig, Barceluna, Lingig na walang humpay ang kapaguran maiahon lang aming naghihikahos na buhay.

Ito ang aking buhay noong bata pa ako, ito lamang ang aking naalala, kung meron pang ibang dapat nakaka-alam ay ang aking mahal na magulang at mga kapatid. Salamat sa POONG MAYKAPAL at naririto pa AKO sa mundong ibabaw na magpahanggang ngayon nagpupursige sa tunay na buhay.

Maraming Salamat po sa inyong lahat.

Posted in: Essays, Prose and Poetries, Feature Story, Language Preservation, News and Articles, Repository   Tags: Francisco Ribu Jr., Jun Ribu, Tagalog, Tula


Noong bata pa ako ang dami kong mga pangarap sa buhay, ang dami kong gustong gawin at puntahan. Kapag may makikita akong eroplanong dumadaan sa himpapawid, nangako ako sa aking sarili na makasakay din ako nyan balang araw.

Wala akong ibang hangad kundi ang magkaroon ng magandang buhay ang aking pamilya. Sa matagal na panahon hindi ko man lang naranasan kung paano mamuhay ng marangya tulad ng aking nakikita sa mga pelikula at telenobela.

Dahil sa ako ay bata pa noon, hindi ko pa pasan ang mga problema sa buhay, ang problema ko lang ay kung paano ko takasan ang aking Nanay na katabi ko sa pag tulog tuwing hapon para makipaglaro sa aking mga kaibigan.

Noong nasa high school na ako, doon ko pa lamang naranasan ang mga konting problema, katulad nalang ng mga school projects, mahihirap na mga research, assignments at higit lalo ang pang araw-araw mo na allowance at pagkain.

Masaya ang naging high school life ko, ang dami kong natutunan sa buhay, may mga bagay na bigla mo nalang ma realized na "Wow! Life is Beautiful!" Doon ko din naranasan ang uminom kasama ang mga kaibigan, mag cutting classes, gala doon, gala dito, tila walang kapaguran sa paglalakwatsa. Kahit walang sapat na pera basta't kasama ang mga kaibigan ay masaya ka na.

Mas nadagdagan ang mga problema ko noong nag-aaral na ako ng college, mas malaking pera ang kailangan pambayad sa matrikula. Tapos may professor ka pang terror, mga kaibigang pasaway, at may panahon talagang gusto ko ng sumuko at ayoko ng ipagpatuloy ang pag-aaral.

Ngunit hindi ako bumitaw sa aking mga pangarap, ayokong masayang ang paghihirap ng aking mga magulang para makapag tapos lang ako sa pag-aaral. Bigla akong natauhan na mas higit kong kailangang magsikap upang makakuha ng matinong trabaho kesa mapunta ako sa kung saan.

Hindi ako perpektong anak, sa sobrang dami ng mga nagawa kong kasalanan sa aking mga magulang hindi sapat na ubusin ko ang mga luha sa aking dalawang mata para mapatawad nila ako. Ganunpaman nagpapasalamat din ako na nagkaroon ako ng mabubuting magulang katulad nila na mapagmahal sa kanilang mga anak.

Sa kanila lang ako umaasa sa lahat ng aking pangangailangan, minsan nga kinukupitan ko pa sila. Hindi naman kasi ako ang nag banat ng buto kaya hindi ko ramdam ang hirap nila. Ang tanging alam ko lang ay humihingi ako sa kanila kung may kailangan. Minsan nga pag hindi ako mabigyan, nag rerebelde na ako agad. Galit na ako sa kanila, ang hindi ko lang alam nahihirapan na din pala ang aking mga magulang kung paano kami tustusan.

Noong tapos na ako sa pag-aaral at nagkaroon na ako ng pagkakitaan, hindi ko lubos maisip na magiging magulang din pala ako sa hindi inaasahan. Mahirap magkaroon ng malaking responsibilibad sa pamilya lalo na kung hindi naman ganun ka sapat ang iyong kinikita. Kung ano ang hirap na dinanas ng aking mga magulang noon, ganun na din ako ngayon.

Mabigat ang krus kapag pasan mo lang itong mag-isa, mahirap pag wala kang karamay, pag wala kang maka-usap, higit lalo pag walang tutulong sa bigat ng krus na iyong pinapasan. Kahit gaano ka katibay kung hindi na kaya ng iyong katawan at isipan, mas nanaisin mo na lamang ang lumisan agad kesa dahan-dahan kang pinapatay ng iyong problema sa araw-araw.

Hindi naman sa gusto mong iwasan ang problema, hindi mo lang nagawan ng paraan at hindi na kayang solusyonan. May mga problemang kaya mo pang hawakan, ngunit sadyang may problema talagang baon-baon mo hanggang kamatayan. Ang buhay natin ay may hangganan. Nagkataon lamang na nauna kang nagpakilala kay kamatayan.

Sa aking mahal na pamilya at malalapit na mga kaibagan maraming salamat sa pagmamahal. Ang inyong mga ngiti at mga halakhak ay mananatili sa aking isipan. Wala man akong yaman na iiwan sa inyo, tanging ang aking mga masasayang alaala lamang ang sana ay h'wag nyong kalilimutan.

Hindi dito nagtatapos ang ating buhay, naniniwala akong mag tagpo din tayo sa kabilang mundo. Kung naging mahina man ako humihingi ako ng kapatawaran. Hanggang dito nalang sirugo ang pintig ng aking puso. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng taong nasaktan ko, sa lahat ng binigo ko, at sa lahat ng mga umaasang makasama pa nila ako sa matagal pang panahon.

Bago ko pa man inisip at sinulat ito, humihingi na ako ng tawad sa ating Panginoon, alam kong napapatawad na nya ako sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Umaasa akong makikita ko din sa kabilang buhay ang tunay na kasiyahan, katahimikan at kapayapaan na matagal ko ng inaasam-asam.

Mahal ko kayo!

Hanggang sa muli, paalam!

Star 😘

0 Replies to “Noong Bata Pa Ako Essay About Myself”

Lascia un Commento

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *